Friday, July 27, 2012

Mga Bahagi ng Liham

                                            





1. Pamuhatan -



 dito sinusulat ang tirahan o adres at ang petsa kung kailan niya ito sinulat. 
Hal: brgy.baras,palo,leyte 
ika-21 ng Enero,2011 


2. Bating Panimula -



 ito ay maikling pagbati sa sinusulatan, na ang bantas na ginagamit sa hulihan ay kuwit. 
Hal: mahal kong Rose Wynne,
Sa bating panimula ay gumagamit ng magagalang na salitang tulad ng Mahal kong,ang kaibigan kong si,at iba pa.


3. Katawan ng liham -



 dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat 
hal:sana okay ka lang sa hospital at mamaya kung lumabas ka na laro tayo ng masayang mga laro


4. Bating Pangwakas -


 dito ay magalang na nagpapaalam ang sumulat. Ang bating pangwakas ay nagtatapos sa kuwit. 
Hal: ang iyong kaibigan,ang iyong kapatid,at iba pa.

5. Lagda -



  dito isinusulat ng lumiham ang kanyang pangalan. Kung ang ating sinulatan ay isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating ilagda. 
Raven 



FROM: tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_bahagi_ng_liham






                                     REAKSYON




             Ang mga bahaging ito ay may malaking ambag sa paggawa ng isang maganda, maayos, at pormal na liham.


             Sa paggawa ng isang liham pangkalakalan, huwag kaligtaan ang paggamit ng bantas na tutuldok sa bating panimula. Gamitin din ang kuwit sa bating pangwakas.


              Huwag kakalimutan na ang anyo o ayos ng liham pangangalakal at liham pangkaibigan ay magkaiba. Isipin din ng mabuti ang anyo na gagamitin at ang pagkakasunod - sunod ng mga bahagi nito.



1 comment:

  1. thanks!.. cute ng blog na ito. ano ang ginamit na background pic. nito?

    ReplyDelete