Monday, July 9, 2012

Sa Aking Mga Kababata

Sa Aking Mga Kababata 





Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay  
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa InglesKastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.




From:   http://tl.answers.com/Q/Ang_Tula_ni_Dr_Jose_Rizal_na_Sa_Aking_mga_Kababata


                                            REPLEKSYON
Ang akda ni Dr. Jose P. Rizal ay isang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Wika nga niya'y " Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda". Nagpapatunay lamang na hindi maitatago ng isang Pilipino ang lugar kung saan siya nanggaling dahil siya ito'y mananatili magpakailanman.

1 comment: