Buod
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhJ-ZTKzF6PHqBNdXvCBCh5pnf1CYIWw4kVZs7_ffnkX7Yhs7xuOIJVQZYlvsekn82-Mu5FDLXF4AlIt0APMk2uVKuArQbJROiyx36oyJmGXDP5lphO2gSBvK9a8csDcCTxsCnjhVPYTZFq/s320/download+(1).jpg)
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
From: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_buod_ng_Luha_ng_Buwaya_ni_Armando_V_Hernandez
REPLEKSYON
Ang natutunan ko sa kwento ay hindi dapat maging sakim. Ang pagmamalupit ni Donya Leona sa mga taga Sampilong ay isang masamang gawain. Dahil na rin siguro sa kanyang kayamanan kaya ganun siya. Kung ako ang nasa kalagayan niya, tutulungan ko ang bawat mamamayan dahil naniniwala ako na sa pag-ahon ng isa, aahon ang lahat.
Gawain:
"Kasinungalingan sa kayamanan nakakubli,
Ngunit katotohana'y 'di mabayaran ng salapi"
No comments:
Post a Comment