Sa Aking Mga Kababata
Sa Aking Mga Kababata
- Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
- Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
- Sanglang kalayaan nasa ring masapi
- Katulad ng ibong nasa himpapawid.
- Pagka't ang salita'y isang kahatulan
- Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
- At ang isang tao'y katulad, kabagay
- Ng alin mang likha noong kalayaan.
- Ang hindi magmahal sa kanyang salita
- Mahigit sa hayop at malansang isda,
- Kaya ang marapat pagyamaning kusa
- Na tulad sa inang tunay na nagpala.
- Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
- Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
- Sapagka't ang Poong maalam tumingin
- Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
- Ang salita nati'y huwad din sa iba
- Na may alfabeto at sariling letra,
- Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
- Ang lunday sa lawa noong dakong una.
From: http://tl.answers.com/Q/Ang_Tula_ni_Dr_Jose_Rizal_na_Sa_Aking_mga_Kababata
REPLEKSYON
Ang akda ni Dr. Jose P. Rizal ay isang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Wika nga niya'y " Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda". Nagpapatunay lamang na hindi maitatago ng isang Pilipino ang lugar kung saan siya nanggaling dahil siya ito'y mananatili magpakailanman.
pinakaunang takdang - aralin sa Filipino.
ReplyDelete